Nilalaman ng Paksa

Published September 24, 2012 by iamafutureteacher

Basahin ang maikling sanaysay. Bigyang pansin ang mga salitang nakaslat ng pahilig.

Bago pa lamang sumapit ang buwan ng Disyembre, maririnig na sa mga radio sa buong kapuluuan ang mga awiting pamasko. Ito ay pinakahihintay ng mga tao lalo ng mga kabataan. Inaantabayanan at pinaghahandaan ang raw ng kapanganakan ng Dakilang Lumikha.

Maraming kahulugan ito sa maraming tao. Araw ito ng pagmamahalan, pagpapatawaran, pagbibigayan, pagpapasaya sa buhay at marami pang iba. Nandiyan na punuin ng mga prutas at masasarap na pagkain ang mga refrigerator ng mga maykaya at nakaririwasa sa buhay. Sinisidlan din nila ng mga regalo ang mga medyas para sa kanilang mumunting anghel sa buhay. Naghahanda rin sila ng iba’t ibang inumin para sa magiging panauhin.

Ang mga mahihirap naman na binubuo ng mga anak-pawis ay masaya nang pagsasaluhan ang isang simpleng Noche Buena. Wika nga, mababaw lamang ang kanilang kaligayahan.

Hinahagkan natin ang lolo at lola pagsapit ng pasko. Nilalagyan natin ng palamuti an gating tahanan bilang pagdakila sa kapanganakan ni Hesukristo.

Isa ito sa magandang kultura nating mga Pilipino. Sa panahong ito, mayaman man o mahirap ay masayang ipinagdiriwang ang dakilang araw na ito Kasabihan nga, “Limutin ang lahat ng sama ng loob, mga kagalit, mga hinanakit sa buhay, at masayang gunitain ang pagsilang ng Mesiyas.

Ang pag-aanyong di-karaniwan ng mga salita ay madalas mangyari’t umiral sa mga pangngalan at pandiwa. Hindi ito ay nangyayari o hindi gaanong napagkikita sa ibang uri ng pananalita. Di-karaniwan ang tawag ditto sapagkat ito ay:

  1. Di-lubos  na umaalinsunod sa mga talaga’t panlahat na tuntunin sa pagbuo ng salita.
  2. Lumilihis sa mga karaniwang paraan ng palapantigan at paglalapi.

Ang Morpoponemiko ay mga pagbabagong nangyayari sa pagbuo ng salita dahil sa:

  1. Kalikasan ng salita
  2. Paraan  ng pagpapadali ng bigkas
  3. Pagtitipid sa salita
  4. Impluwensiya ng mga pinagsamasamang tunog

Mga uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

  1. Pagdaragdag ng Ponema/ May Sudlong

Bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlungan o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. Dahil ditto, ang pagdadalawang hulapi ay matatawag na pandiwang may sudlong o may pagdaragdag ng ponema.

Halimbawa:

Antabay+an=antabayan=antabayanan

Antabayanan mo ang pagdating ng mga panauhin.

  1. Maylipat o Metatesis

a)      Sa loob ng salita ay may titik na nag-iiba ng posisyon o lunan at mayroon pang titik na nakakaltas.

Halimbawa:

Yari+in= yariin = niyari

Niyari niya sa husi ang barong tagalog.

Lipad+in=lipadin=nilipad

Nilipad ng malakas na hangin ang bubong ng bahay.

  1. Gradasyon

Nililipat ang diin at tunog na o sa u kapag hinuhulapian ang salitang-uagat

Halimbawa:

Salok+in=salukin

Salukin mo sa balon ang tubig na ating ipanlalaba.

Ang pagbabanghay sa mga pandiwang di-karaniwan ay katulad din ng sa mga karaniwang pandiwa. Kung ano ang karaniwang pawatas at pautos ay siya ring patakaran ng mga anyong paturol sa lahat ng aspekto ng pandiwa.

Halimbawa:

Pawatas / Pautos

Paturol

Perpektibo

Imperpektibo

Kontemplatibo

antabayanan inantabayanan inaantabayanan aantabayanan
aptan inaptan inaaptan aaptan
salukin sinalok sinasalok sasalukin
  1. Maypalit

Ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba, bukod pa sa kung may makaltas o nasusudlong.

Halimbawa:

Halik+an=halikan=hagkan

Hagkan mo ang lola mo nang siya’y matuwa.

  1. Maykaltas

Sa loob ng isang salita ay may nawawalang isang titik o isang pantig.

Halimbawa:

Lagay+an=lagayan=lagyan

Lagyan mo ng palamuti an gating bahay nang maging maganda sa tingin ng tao.

  1. Maypungos

Sa unahan ng salita ay may nababawas na isa o ilang titik. Ito ay nangyayari sa ilang anyo ng mga pandiwang binabanghay sa um-, magpa-, paka-in, paka-hin.

Halimbawa:

Magpadala-padala

Sumulat-nulat (madalas mangyari sa tula)

Umibig- mibig

Padala ka ng mga magasin at aklat sa pgbabalik-bayan ni Kuya.

Advertisements

Banghay-Aralin

Published September 24, 2012 by iamafutureteacher

Mala-Masusing Banghay Aralin

sa

Filipino 3

 I. Layunin

            Pagkatapos ng talakayan, inaasahang ang mga mag-aaral ay:

A. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

B. Naipapaliwang ang pagkakaiba ng mga uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

C. Nakapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

D. Masiglang nakalalahok  sa takayan at sa mga gawain sa talakayan

 

II. Paksang Aralin

a.  Paksa: Mga uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

b. Sanggunian: Daloy ng Mithi, pp 53-57

c. Kagamitan: LCD, PowerPoint

 

III. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain

a. Panalangin

b. Pagtala ng mga lumiban

c. Balik-aral

Ano ang Idyomatikong Pagpapahayag?

Magbigay ng halimbawa ng Idyomatikong Pagpapahayag.

B. Paglinang na Gawain

1. Pagganyak

Isang maikling sanaysay ang ipababasa ng guro.

Panuto – Pansinin ang mga nakasulat na mga pahilig.

Talakayin sa klase ang mga katanungang:

Anu-ano pang mga kaisipan ang maidaragdag mo sa mahalagang pagdiriwang na ito ng mga Kristiyano?

Ano ang napansin mo sa mga salitang nakasulat ng pahilig?

2.  Paglalahad ng Aralin

Sabihin – Ang tatalakayin natin ngayon ay tunkol sa Pagbabagong Morpoponemiko

a. Ipakita ang nilalaman ng PowerPoint

b. Ipaliwanag ng isa-isa ang kahulugan at mga uri ng Pagbababong Morpoponemiko

c. Hayaang magbigay ng iba pang halimbawa ang mga mag-aaral at ipaliwanag ang mga pagbabagong naganap sa mga salita.

 

C. Pagbubuo ng Paglalahat

Ano ang Pagbabagong Morpoponekio?

Bakit nangyayari ang Pagbabagong Morpoponemiko?

May pagkakatulad ba o pagkakaiba ang mga uri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa ias’t ias? Ipaliwanag.

D. Paglalapat

Anong implikasyon ang ipanararating ng kalikasan ng wika, paraan ng pagpapadali ng bigkas, pagtitipid ng pagsasalita at impluwensiya ng mga pinagsama-samang tunog sa pagbabagong nangyari sa pagbuo ng mga salita. Ipaliwanag.

 

IV. Pagtataya

Isulat at tukuyin ang pagbabagong morpoponemiko sa mga naganap sa mga salita.

 

  1. kamot + /-in/ =
  2. tanim + /-an/ =
  3. /mag-/ + tawag =
  4. bigay + /-an/+ =
  5. tawa + /-han/ =
  6. laga + /-in/ =
  7. talab + /-an/ =
  8. atip + /-an/ =
  9. lakas + /-an/=
  10. /pa-/ + alaala +/-han/ =

V. Takdang-Aralin

Banghayin ang mga pandiwang karaniwan at di-karaniwan sa kahon sa ibaba.

 

Pawatas / Pautos

Paturol

Perpektibo

Imperpektibo

Kontemplatibo

tamnan

inaawitan

sisidlan

magpadala

inasinan

 

 

 

 

 

How To Wear A Veil Or Hijab

Make Your Performance Beautifully Only In AgA-ThA Veil

LEARNERSWISDOM

“Tell me and I'll forget; show me and I may remember; involve me and I'll understand.”

edtechmanan

4 out of 5 dentists recommend this WordPress.com site

iamniceprincess

This WordPress.com site is the bee's knees

ITeachYoungAbnormals

"Abnormals make me Happy and Stronger".

ilovetodiscovernewthings

This WordPress.com site is the cat’s pajamas

englishera

This WordPress.com site is the bee's knees

iloveteachersahxie

A great WordPress.com site

teacherminachan

4 out of 5 dentists recommend this WordPress.com site

fuzzilove

The greatest WordPress.com site in all the land!

teacher far

Being honest may not get you a lot of friends, but it will always get you the right ones :)

I WANTTOLOVETEACHING

4 out of 5 dentists recommend this WordPress.com site

Game of the Assassins

THE MURDER CLASS PROJECT - Play with secrecy, deceit and DEATH

proudtobeteacher

A great WordPress.com site

iloveatehq

iamelementaryteacher

gorgeouskhepp

MY VERY FIRST BLOGSITE......>

sexyjess

4 out of 5 dentists recommend this WordPress.com site

joharasabpa

This WordPress.com site is the bee's knees

iloveeducation

" We can't teach people, but we can just make them think" - Socrates

kisscel

4 out of 5 dentists recommend this WordPress.com site